PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │
Showing posts with label Bacoor. Show all posts
Showing posts with label Bacoor. Show all posts

TAXI DRIVER TINODAS NG MAGAMANG NAPIKON SA INUMAN


Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 13
October 07, 2012  - October 13, 2012 issue


BACOOR CITY–– Patay ang isang  47-anyos na taxi driver matapos itong pagtulungang saksakin ng mag-ama sa inuman sa Sitio Silangan Longos, Brgy Zapote 5 sa Bacoor City ,  Cavite nitong nakalipas na Setyembre 28,ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si  Salvador Alabastro habang nadakip naman ang isa sa dalawang suspek na si Sherlino  Gregorio, 56.

Samantala, tinutugis naman ng pulisya ang anak nitong si Gilbert Gregorio, 28, residente ng   #72 Sitio Silangan Longos sa nasabing barangay.


Sa imbestigasyon ni PO3 Angelito Roxas, naganap ang  insidente ng pananaksak matapos  mapikon ang matandang Gregorio sa biktima habang nakikipag-inuman. sinasabing  sinugod  ni Gilbert ang biktimang nakikipagtalo sa matandang Gregorio kung saan pinagtulungang saksakin ang biktima.
page 02 - "TAXI DRIVER TINODAS NG MAGAMANG NAPIKON SA INUMAN"  BY LARRY MACABUAT │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 13  October 07, 2012 - October 13, 2012


PULIS NILIKIDA


BACOOR CITY–– Isang pulis na kaanib ng Tagaytay Police Station ang pinaslang ng dalawang lalaki sa  bahagi ng Barangay Molino 3 Bacoor City nitong nakalipas na Hulyo 20 ng umaga.   Nasawi habang  ginagamot sa De la Salle University Medical Center ang biktimang kinilalang si PO1 Rafael Baculao,31, may  asawa residente ng Fortune Street,Marcos Alvarez Extension Bacoor City. 

Sa imbestigasyon ni PO2 Michael Legaspi Jr., sinasabing naglalakad ang biktima sa bisinidad ng Gardenia  Valley para mag-duty nang lapitan at ratratin ng tandem bandang alas-5:50 ng umaga. Narekober sa crime  scene ang anim na basyo ng cal.45 pistol. 

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pagpaslang sa biktima.
PULIS NILIKIDA
page 02│Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012   

DALAGITA NAGBIGTI


BACOOR, Cavite–– Isang 14-anyos na dalagita ang nagbigti sa loob ng  kanilang tahanan sa Barangay  Zapote 2, Bacoor, Cavite, nitong nakalipas na Hulyo 10. 

Dakong  alas-4 ng hapon nang matagpuang nakabitin sa kisame ang biktimang si Cherryzel Naños,  studyante ng Las Piñas National High School  residente ng  Topaz Street ng nabaggit na barangay.

Sa imbestigasyon sinasabing nagkahiwalay ang mga magulang ng biktima kung saan posibleng dinamdam ito  ng biktima.
DALAGITA NAGBIGTI
RENANTE MAGBUAT/CRISTY D. GARCIA│Operation Exposé Vol. 10 Blg. 01 July 15 - July 21, 2012  

MEDIA MAN BINARIL SA VAN


BACOOR, Cavite–– Sugatan ang isang  52- anyos na mamamahayag matapos na barilin ng pasaherong nakasabay nito sa loob ng van sa Bacoor, Cavite Hunyo 29 ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Manolo Pedralvez, 52, may-asawa, sports writer/editor ng Malaya Newspaper at  nakatira sa Bahayang Pag-asa Subd. sa  bayan ng Imus, Cavite. 

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na si Alejandro Bantog  De Guzman alias Ka Andring, 57,   may-asawa da-ting OFW at nakatira naman sa Block 10 Lot 11, Apacible Street. Phase II-B, Bahayang Pag-asa sa Barangay Molino 4, Bacoor, Cavite. na pinaghahanap pa ng pulisya sa ulat ng pulisya,  lulan ng  pampasaherong van ang biktima at ang mag-asawang Bantog nang pumara sa tapat ng  isang tindahan sa  Barangay Molino 3.ang suspek.  

Sinasabing  sa pagbaba ng suspek ay aksidenteng naipit ang kamay ng biktima ng extended na upuan kaya  nagalit ang biktima na nauwi sa  mainitang komprontasyon, sinasabing nagbunot ng baril ang suspek saka  binaril sa hita ang biktima. 

Samantala, napigilan naman ng pulisya ang asawa ng suspek kung  saan  nakikipagtulungan para maaresto  ang  suspek.

EX BARANGAY CAPTAIN PINASLANG


BACOOR, Cavite–– Dead on the spot ang isang dating Barangay captain  makaraang pagbabarilin  ng  tatlong di nakilalang mga salarin  sa Sto. Niño Street, Barangay Niog 3 sa bayan ng Bacoor, Cavite Hunyo  30 ng umaga.

Sa imbestigasyon ni  PO2 Michael Legaspi Jr., sinasabing kausap ng biktimang si Severino Nario 53, ang  isang inhinyero sa tapat ng isang  construction site nang lapitan at pagbabarilin. Makaraan  ang pamamaslang   ay mabilis na tumakas ang mga di pa nakikilalang suspek lulan ng isang  traysikel. 

Patuloy pang iniimbestiagahan ang kaso sa motibo ng pamamaslang.
EX BARANGAY CAPTAIN PINASLANG
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012  

HOLDAPER NASAKOTE

BACOOR, Cavite–– Nasakote ng mga elemento ng pulisya sa isinagawang follow up operation ang isang 27 anyos na mister matapos ipagharap ng reklamo sa kasong panghoholdap sa  Barangay Longos, Zapote 5  sa bayan ng Bacoor, Cavite nitong Hunyo 19. 

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Reyman “Tabok” Espino ng #527 Barangay Zapote 1 sa nabanggit na  bayan. Hindi naman narekober ang pitaka na pag-aari ni Ma. Pilar Alaban na naglalaman ng malaking halaga.

Sa imbestigasyon nabatid  na hinoldap ng suspek ang biktima sa loob ng pampasaherong jeepney pag-sapit sa gasolinahan sa  nabanggit  na barangay.
HOLDAPER NASAKOTE
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 50 June 24-June 30, 2012 issue


SEKYU BINARIL TODAS

BACOOR, Cavite–– Binaril at napatay ang isang  41-anyos na security guard ng di-kilalang lalaki  sa   Maryhomes Subd., Barangay Molino 4 sa bayan ng Bacoor, Cavite Hunyo 18  ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Bero Rendal, security guard ng Crossline Security Guard Agency  at  nakatira sa Block 11, Lot 96 Phase 4, Cityhomes Subd. sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon nabatid na  naka-duty ang biktima sa gate 1 ng nasabing subdibisyon nang lapitan at  barilin matapos ang pamamaslang sa biktima ay tinangay  ng gunman ang baril ng biktima bago tumakas.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaslang. 
CRISTY D. GARCIA/ REYNANTE  MACABTAT

SEKYU BINARIL TODAS
By: CRISTY D. GARCIA/ REYNANTE MACBTAT│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 50 June 24-June 30, 2012 issue

SALOON OWNER TIGOK SA KAINUMAN

BACOOR, Cavite–– Patay ang isang  saloon owner matapos saksakin ng kanyang kainuman sa Barangay  Panapaan 4 Reyes Compound Family Village sa bayan ng Bacoor, Cavite nitong nakalipas na Mayo 8. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Armando  “Myles” Sumalinog ng Tagaytay City Cavite, Samantalang naaresto  ang suspek na si Arjay Garcia, 22, ng Mabini Street, Barangay 4, Amadeo, Cavite. Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, sinasabing  nakikipag-inuman ng alak sa suspek sa loob ng kanyang kuwarto ang biktima,  hanggang sa matagpuang isa ng malamig na bangkay bandang alas-12:45  ng madaling araw. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaslang.
SALOON OWNER TIGOK SA KAINUMAN
By: BOBBIT BENITES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 issue