BACOOR, Cavite–– Nasakote ng mga elemento ng pulisya sa isinagawang follow up operation ang isang 27 anyos na mister matapos ipagharap ng reklamo sa kasong panghoholdap sa Barangay Longos, Zapote 5 sa bayan ng Bacoor, Cavite nitong Hunyo 19.
Pormal na kinasuhan ang suspek na si Reyman “Tabok” Espino ng #527 Barangay Zapote 1 sa nabanggit na bayan. Hindi naman narekober ang pitaka na pag-aari ni Ma. Pilar Alaban na naglalaman ng malaking halaga.
Sa imbestigasyon nabatid na hinoldap ng suspek ang biktima sa loob ng pampasaherong jeepney pag-sapit sa gasolinahan sa nabanggit na barangay.
HOLDAPER NASAKOTE
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 50 June 24-June 30, 2012 issue
No comments:
Post a Comment