PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │
Showing posts with label Silang. Show all posts
Showing posts with label Silang. Show all posts

ONSEHAN SA DROGA, KELOT ITINUMBA


SILANG, Cavite–– Hinihinalang  onsehan sa droga ang isa sa dahilan ng  pamamaslang sa isang mister  matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa bayan ng Silang, Cavite Agosto 30  ng  hatinggabi.

Dead on the spot dahil  sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang  kinilalang si George Aranchado, 43, ng Brgy. Anahaw ng bayang ito. 

Sa imbestigasyon ng pulisya, isang alyas Manny na may kaugnayan sa droga ang tumawag sa biktima at  pinapapunta ito sa lumang palenge sa Brgy. Narra sinasabing pagdating sa lugar ay agad itong nilapitan ng  armadong salarin saka pinagbabaril.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng iba’t ibang kalibre ng baril at saka isang sachet na may lamang  shabu. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen 

ONSEHAN  SA DROGA, KELOT ITINUMBA

page 02 - │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 09 September 9-15, 2012

AWAY TRAPIKO: SEAMAN BINARIL DEDO


SILANG, Cavite–– Hindi umabot ng buhay  sa pinagdalhang ospital ang isang seaman, makaraang barilin  ng isang rider na nakagitgitan nito sa daan sa Blumentrit St., sa Brgy Tubuan, 3, Silang, Cavite.

Sa ulat na ipinadala ni P/ Supt. Simnar Gran, hepe ng pulisya kinilala ang biktimang si Joselito Legaspi, 43, residente ng B6, L27 Gabriela Hills, Brgy. Tubuan 1 sa nasabing bayan.


Kinilala  naman ang supek na si Emer Delos Reyes,40, na mabilis na tumakas lulan ng  kanyang motorsiklo MIO na walang plaka   residente ng nasabing lugar. 


Base sa ginawang imbestigasyon  ni SP01 Edgar Belza, ganap na alas-8:00 ng umaga nang maganap ang insidente, sinasabing sakay ang biktima ng kanyang tricycle RUSI (DY 4275) patungong hilagang direksyon nang makagitgitan nito ang suspek na sakay naman ng kanyang motorsiklo. 


Nagkaroon  ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at kaagad na binaril sa ulo ang biktima. Tugis ng mga tauhan ng pulisya ang suspek upang panagutin  sa pamamaslang.


AWAY TRAPIKO: SEAMAN BINARIL DEDO
By: CRISTY D. GARCIA │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 49 June 17-June 23, 2012 issue




TRADER, TINODAS SA RESTAURANT

SILANG, Cavite–– Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa  motibo ng pamamaslang sa isang  30 anyos na negosyante na pinagbabaril at napatay ng di nakilalang salarin sa loob ng kanyang restaurant sa barangay Biga 1 Silang, Cavite nitong nakalipas na  Mayo 22 ng gabi.Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni P/ Supt. Simnar Gran hepe ng pulisya kinilala ang biktimang si Charlie Panuntan Jr, tubong Socorro, Oriental Mindoro, at may-ari ng Pampangueña Restaurant. Sa imbestigasyong isinagawa ni SPO1 Edgar Belza nabatid na nakikipag usap ang biktima sa kaibigang kinilalang si Glen Ford Montoya sa loob ng  nasabing kainan nang lapitan at pagbabarilin  ng gunman. Tinitingnan din ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa negosyo ang pagpaslang sa biktima.


By: CRISTY D. GARCIA │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012