PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │
Showing posts with label Quezon. Show all posts
Showing posts with label Quezon. Show all posts

30 KALANSAY NAHUKAY SA MASS GRAVE NG NPA


SAN FRANCISCO, Quezon–– Tinatayang aabot sa 30 kalansay ng tao na pinaniniwalaang biktima ng  pagmamalabis ng mga rebeldeng New People’s Army ang nahukay ng dalawang magsasaka sa kabundukan  ng Sitio Irrigation, Barangay Pagsangahan sa bayan ng San Francisco, Quezon Sa ulat ngt pulisya, sa  imbestigasyon ni  PO2 Joel Razo Sanao, nag-report sa kanilang opisina ang dalawang magsasakang sina  Herminio Dauba at Rommel Malinao kaugnay sa natagpuang mass grave. 

Sinabi ng dalawang magsasaka na noon pang Abril 2012 nila natuklasan ang mga kalansay sa kabundukan  habang sila ay nagsasaka subalit nitong Hulyo21 lamang nila ipinagbigay alam sa pulisya sa takot na likidahin  din ng mga rebelde. 

Sa pahayag naman ni Col. Eduardo M. Año, brigade commander ng 201st Brigade ng Phil. Army, ang mga  kalansay ay may 24 taon na ang nakalipas kung saan ang naturang pagpaslang sa ilang miyembrong  kasamahan ng New People’s Army at ilang sibilyan na pinaghihinalaang deep penetrating agents (DPA) ay  napapa-loob sa prosesong “Oplan Missing Link.”

Ang “Oplan Missing Link”  ay isang anti-infiltration campaign na isinagawa noong 1985 ng mga miyembro ng  CPP/NPA sa kanilang hanay kung saan nasa 46-katao ang nawawala kasama na ang ilang kabataan at mga  babaeng buntis.

Dinala na sa Provincial Crime Laboratory sa Camp Nakar,Lucena City  ang m ga kalansay upang masuri.
30 KALANSAY NAHUKAY SA MASS GRAVE NG NPA
page 05 - │Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012  

MISTER, MISIS NAGBIGTI DAHIL SA PROBLEMA SA PERA

QUEZON–– Pinaniniwalaang problema sa pana-nalapi sa kanikanilang pamilya kaya nag- bigti ang isang mister at misis sa magkahiwalay na insidente ng suicide sa mga bayan ng Candelaria at Sariaya, Quezon  nitong nakalipas na Hunyo16.

Bandang alas-6 ng umaga nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Aurelio Almares, 52, sa kisame ng  kanilang bahay. 

Sa ulat ng pulisya, bago ang pagpapatiwakal ni Almares ay nakipagtalo ito sa kanyang ka-live-in na kinilalang   si Lyra Peregrin tungkol sa problema nila sa pananalapi. 

Kasunod nito, dakong alas-10:30 naman ng gabi nang matagpuang nakabigti si Glenn Mayuga, 21, ng kanyang mister na si Sherwin sa kisame din ng bahay sinasabing nagtalo din ang mag-asawa tungkol sa pera.
MISTER, MISIS NAGBIGTI DAHIL SA PROBLEMA SA PERA
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 50 June 24-June 30, 2012 issue