PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │
Showing posts with label Hotshots. Show all posts
Showing posts with label Hotshots. Show all posts

KRIMENG DULOT NG BAWAL NA DROGA....

HOTSHOTS:  NAKAPANLULUMONG isipin na  isa na namang menor de edad na 14 anyos na batang  babae ang naging biktima ng panggagahasa.

Ang masakit sa pangyayaring ito, matapos halayin ay pinukpok pa ng matigas na bagay sa ulo ng di- pa  nakikilalang salarin na hinihinalang  adik sa ipinagbabawal na droga. basag ang bao ng ulo at hubot hubad ng  matagpuan ang bangkay ni Mary Joy Basas sa loob ng  Site 2 ng Labnig Elementary School sa Barangay Labnig sa bayan ng Malinao, Albay nitong nakalipas na Agosto 1 ng madaling-araw. Sa naitalang ulat ng  pulisya,dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ni Mary Joy Basas, Grade 4 pupil  sa nasabing eskwelahan. 


Sinasabi sa ulat, huling namataang buhay ang biktima na nakikipaglamay sa burol ng kamag-anak at  nagpaalam sa kanyang ina na ihahatid ang pinsan sa kanilang bahay. Hindi na nakabalik sa lamay ang  biktima, at natagpuang isa ng malamig na bangkay.

Sariwa pa sa ating alaala ang mga insidenteng tulad nito, mga karumal dumal na pagpaslang sa mga menor de  edad, isa na rito ang maka hayop  na pagpaslang ng  2 dalawang lalaki  sa isang 7 anyos na batang babae sa  Sta.Mesa Manila na matapos gahasain ang bata ay pinagbubugbog at binigti pa.

Naaresto ang mga salarin at napaslang sa loob ng istasyon ng pulisya ng agawin ang baril ng isa sa mga pulis  na bantay.

Pagkalango sa droga ang itinuturong dahilan ng mga karumal dumal na insidenteng ito.


Ipinagbabawal na droga na dahilan ng maraming krimeng nangyayari sa kapaligiran, paglaban sa mga  magulang, na minsan sa mga naitatalang ulat ay nagbubunga din ng pagpaslang, kapariwaraan ng buhay tulad  ng pagbebenta ng katawan ng mga ilang babae na  adik sa droga upang masustenahan ang bisyo,  pagnanakaw pang iisnatch, panghoholdap,panggagahasa at ang pagpatay.

Sa kabila ng mahigpit na kampanya ng mga awtoridad laban sa droga,patuloy, ang kalakalan, ang  pagpupuslit ng mga dayuhan papasok sa ating bansa, ang  pag gamit at pagbebenta na waring paikot ikot  lang walang katapusan.

Sa ating sariling pananaw, sa mga nangyayaring krimen sa kapaligiran, mahigpit na batas o ang pagbabalik ng  parusang bitay  partikular sa drug trafficking ang dapat na pagtuunan  ng pansin upang ang lahat ng ito ay  matuldukan. 

Violation of Human Rights ang laging isinasangkalan, kaya patuloy na nagaganap ang mga krimeng ito, Batas  na hindi kinatatakutan kaya paulit ulit ang mga insidenteng ito, mga batas sa menor de edad  na ligtas sa ano  mang krimeng nagawa kung bakit patuloy na may mga sangkot na kabataan sa sari saring uri ng kriminalidad. 

Maraming kabataan na ang lugmok sa droga na gumagawa ng mga krimen.

Magising sana tayo sa mga insidenteng ito...
page 4 - HOTSHOTS by REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012 

ULTIMO MGA PULIS ‘DI NA LIGTAS SA MGA KRIMINAL..


HOTSHOTS:
NAKABABAHALA na ang mga nangyayaring krimen sa kapaligiran. Wala ng pinangingilagan ang mga kriminal.

Maging ang mga kaanib ng kapulisan ay hindi na kinatatakutan at biktima na rin ng karahasan.

Nitong nakalipas na buwan ng Hunyo, isang pulis  na kaanib ng Quezon City Police ang napatay binurdahan na ng saksak binaril pa! ang biktima si SPO1 Harry de Ocampo, 46, ng EDSA Balintawak, Gana Compound, Brgy. Unang Sigaw, Quezon City.

Sa ulat,  papasok na sana sa naturang compound ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek na si Philip Carpio-, 37, kapitbahay ng pulis na napag-alaman  na madalas na naghahamon ng away lalo na kung lasing.  

Isang saksi,na si Reynaldo Cruz, na nakita niya ang biktima na agad humandusay sa daan makaraang pagsasaksakin ng suspek sa di malamang dahilan.

Bagama’t  may mga saksak na, sinubukan pa umano ng biktima na kunin ang kanyang baril na nakasukbit sa bewang at saka binaril ang suspek pero hindi ito tinamaan.

Nang makita ng suspek na  nanghihina na ang biktima, inagaw ang baril at ipinutok sa biktima na tinamaan sa dibdib at namatay.

Kamakailan lamang din ng mapatay si SPO2 Teofilo Panfilo sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila. Nakita siyang nakalutang sa  Manila  Bay.

Pinahi-rapan muna si Panfilo bago pinatay at itinapon ang katawan sa dagat. Hinihinalang mga miyembro ng
sindikato ng droga ang pumatay sa kanya. Hindi pa nagtatagal ang insidente ng pamamaslang  sa mga Alagad ng Batas, pinatay si PO2 Jesus Lapuz sa Roxas Blvd. Pasay City ng dalawang lalaking nakamotorsiklo. 

Sinasabing hinabol umano ni Lapuz, sakay ng kanyang motorsiklo ang tandem sapagkat hindi tumigil nang sitahin niya. Umano’y kahinahinala ang kilos ng dalawa habang sinusundan ang isang tourist bus habang nasa Roxas Blvd. Ang hindi alam ni Lapuz, inaabangan na pala siya  ng  tandem.

Nagkubli umano ang dalawa at nang malapit na sa kanilang kinaroroonan ang pulis, pinaputukan  ito.

Tinamaan sa katawan si Lapuz. Hindi na naiputok ni Lapuz ang kanyang service firearm. Isang pulis muli ang itinumba sa Sta. Ana, Manila. Pauwi na mula sa night duty   si PO1 Manuel Garcia nang pagbabarilin siya ng mga lalaking nakasakay sa isang itim na SUV.

Isang pulis pa rin sa Lalawigan ng Cavite ang pinaslang, nitong nakalipas na Hulyo 20,sa Molino 3 sa Bacoor City, Cavite.

Nasawi habang ginagamot sa Dela Salle University Medical Center ang biktimang si PO1 Rafael Baculao, may-asawa, at nakatira sa Fortune St., Marcos Alvarez Extension ng nasabing lungsod. Sa Sa imbestigasyon ni PO2 Michael Legaspi Jr., naglalakad ang biktima sa bisinidad ng Gardenia Valley para mag-duty nang lapitan at ratratin ng tandem bandang alas-5:50  ng  umaga. 

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng cal.45 pistol.

Sinasabing posibleng may nasagasaang grupo ng sindikato ang pulis na si PO1 Baculao na miyembro ng Tagaytay Police kaya ito nilikida.

Sino pa kayang kaanib ng kapulisan ang isusunod na biktima ng mga kriminal na ito?

Tsk Tsk Tsk...
ULTIMO MGA PULIS ‘DI NA LIGTAS SA MGA KRIMINAL..
page 04 │Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012  

UTOL NG MAYOR PROTEKTOR NG KOLORUM NA TRAYSIKEL AT ILEGAL NA TERMINAL????



Rey Morales
"Hotshots"
Cavite City ~
MAIGTING ang kampanya ng Cavite City PNP  kontra kriminalidad hangarin at layuning maging isang tahimik na pamayanan ang lunsod. Sa bawat gabing nagdadaan ay patuloy ang isinasagawang checkpoint sa mga pangunahing lansangan upang mapigil ang ano mang masamang balakin ng mga masasamng elementong nagnanais na maghasik ng kaguluhan o ang paggawa ng krimen. Todo higpit sa pagsita at paghuli ng mga
motorcycle riders na walang suot na helmet habang may dala ng motorsiklo, pagsita at paghuli sa mga motorsiklong expired ang rehistro,  pagsita  at paghuli sa mga drayber na walang lisensya at ang pagsita at ang paghuli sa mga kolorum na traysikel, upang mabigyang proteksyon ang mga mananakay o ang mga

commuters, maging ang mga operator na mayroong prangkisa at maiwasan ang pang aabuso ng mga traysikel na kolorum. Sa praktikal nga na usapan sa oras ng aksidente  o maka aksidente walang hahabulin sa isang  drayber o operator man  ng isang traysikel na expired ang rehistro  o walang lisensya ang nagmamaneho, maliban sa i- impound ang traysikel sa  istasyon ng pulisya, habang hindi ito na irerehistro at
habang hindi nagkakaroon ng maayos na pag-uusap sa pagitan ng dalawang panig na nasangkot sa aksidente. Ikulong ang drayber kung mabigat ang naging opensa partikular kung malubhang pagkasugat  sa naaksidente o buhay ng isang tao ang naging sukli ng aksidente hanggang hindi nagkakaroon ng maayos na pag-uusap sa pagitan ng magkabilang panig. Ito sana ang batas na dapat masunod upang maiwasan ang

mga pang aabuso sa pagmamaneho  ng motorsiklo maging ng mga traysikel na walang prangkisa o
kolorum na masasabi. Subalit taliwas na nagaganap ito sa lunsod ng Cavite, maigtingang kampanya ang ipinatutupad ng himpilan ng pulisya, Sita dito sita doon, Huli dito huli doon tinitikitan , ang masakit kapag na tikitan dahil sa TCT (Traffic Citation Ticket) ang dala mumultahan sa City Hall kapag nabayaran ang multa walang magagawa ang mga kapulisan kundi  i-release dahil nabayaran ang multa partikular doon sa mga motorsiklo at traysikle na expired ang rehistro. Tama ba na masasabi ang ganitong sistema? Sayang ang pagpapagod ng kapulisang linisin ang lunsod kontra sa mga kolorum na traysikel. Bukod pa dito ang

Padrinuhan system na hindi na yata mawawala sa lunsod ng Cavite kapag nahuli arbor ni ganito arbor ni ganoon walang magawa ang kapulisan dahil sa maimpluwensyang tao ang humihiling may magagawa pa ba ang pulis na nakahuli? Idagdag pa ang pagkakaroon ng lakas ng loob ng mga kolorum na ito na may 
sariling terminal dahil sa pagbibigay proteksyon ng kapatid ng Mayor na sinasabi ng marami na daig pa
ang Mayor ng lunsod sa pag-asta????. Nakalimutan yatang hindi panghabang buhay ang pwesto sa gobyerno at ang lahat ay may hangganan at kata pusan... at ang paghahari sa isang kaharian ay

pansamantala lamang? Base sa mga ipinararating sa ating reklamo ng mga kapwa traysikel drayber na may
mga prangkisa sobra na ang pang aabusong ito subalit wala silang magawa dahil sa protektado  ang mga ito.
Wala tayong laban na personal sa mga ito trabaho lang ang sa atin, Naisip kaya ng kapatid na ito ng AMA ng lunsod na nakasisisra ang ginagawa niyang ito? Batik na putik na ikukulapol at ibabato sa  sa mukha sa
oras ng eleksyon.. MAKABUBUTI O MAKAKASAMA? Hanggang may mga nagbibigay proteksyon
hangang  may mga Padrinuhan system walang mangyayari at patuloy na dadami ang mga kolorum sa lunsod ng Cavite..  Sayang lang ang oras at pagod ng kapulisan nawawalan ng saysay...
│ Cavite Exposé  Vol.9 Blg.43 May 06-12, 2012