TAYTAY, Rizal–– Nailigtas ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) CounterTerrorism Division ang batang lalaki na dinukot sa Biñan, Laguna sa isinagawang operasyon sa Taytay, Rizal nitong Hunyo 26, Ayon kay Atty. Virgilio Mendez, NBI Deputy Director for Regional Operations Services, nasagip ang 7-anyos na batang tagaMyanmar sa abandonadong bahay sa Pines Ville Subdivision sa nasabing bayan.
Wala na ang mga kidnaper nang dumating ang mga tauhan ng NBI ng pasukin ang lugar, sinasabing dahil sa sumbong ng mga nakatira sa nasabing subdivision kung bakit natukoy ang pinagdalhang lugar.
Magugunitang noong Hunyo 22 ng umaga ay hinarang ng mga armadong kalalakihang lulan ng Nissan Sentra (TBK 827) ang school bus na sinasakyan ng bata sa national highway sa Barangay San Francisco sa Binan, Laguna. Ayon sa bus conductor na si Flash delos Reyes, tatlong armadong kalalakihan ang bumaba sa kotse at pinasok ang school bus ng bata. “Humarang po sa amin ‘yung kotse. Tapos lumabas ‘yung isa na may armalite tapos lumabas din ‘yung dalawa. Tinutukan ‘yung driver tapos pinabubuksan sa bata ‘yung pinto, binuksan naman po,” pahayag ni Delos Reyes.
Hindi naman malinaw kung nagbayad ng ransom money ang pamilya ng biktima kapalit ang kalayaan nito ng batang biktima..
No comments:
Post a Comment