CATANAUAN, Quezon–– Nailigtas ng mga operatiba ng lokal na pulisya ang tatlong mangingisda na galing sa Romblon matapos na lumubog ang kanilang sinasakyang bangka at mapadpad sa karagatang sakop ng bayang ito, nitong nakalipas na Hunyo 20.
Kasalukuyang ginagamot sa Bondoc Peninsula District Hospital l sina Rene Pallerna, 38, Joel Fajardoza Jr. 41, at Pepito Palleran, 32, pawang mga residente ng Corcuera, Simara Island, Romblon.
Sa imbestigasyon ni PO2 Esperidion Tan, dakong alas-2 ng hapon ay namataan ng mga mangingisda ng Catanauan, Quezon ang mga biktima na nakakapit sa mga plastic container at palutang-lutang sa karagatan.
Sa salaysay ng mga biktima sa pulisya, noong Hunyo 18 ay sakay sila ng FB/Pincess Loan upang ideliver sa Boac, Marinduque ang 85 biik na galing sa kanilang bayan subalit habang nasa bahagi na sila ng karagatang sakop ng Simara Island sa Romblon ay hinampas ng malalaking alon ang kanilang bangka na naging sanhi upang ito ay lumubog.
No comments:
Post a Comment