CAVITE CITY–– Hindi na nakaligtas sa ikalawang pagtatangka sa kanyang buhay ang isang 44 anyos na reflexsologist, na lalaki na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa isang puno ng talisay sa loob ng Cavite City Public Cemetery nitong nakalipas na Hunyo 21. Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya, kinilala ang nag suicide na si Ruben Francisco y Mojica aka Ruben, may asawa residente ng Bagong Pook San Antonio Cavite City.
Sa imbestigasyong isinagawa ni PO3 Boy Buitizon , nabatid na bandang alas 5: 40 ng umaga,ng makatanggap ng tawag sa telepono ang istasyon ng pulisya buhat kay Barangay Captain Edwin S. Hilario sa pagkakatagpo ng mga istambay sa nakabiting bangkay ni Francisco, kaagad naman na tinungo ang lugar at natagpuan ang nakabiting bangkay ng biktima. Sa salaysay ng kapatid ni Ruben na kinilalang si Veronica De Guzman y Francisco at Rodel Francisco nabatid na nakatanggap pa sila ng text message kay Ruben nitong Hunyo 20 bandang alas 10:00 ng gabi na nagsasabing “Paalam na po sa inyong lahat at maraming salamat”.Sa puntong iyon ay hinanap ng mga kaanak si Ruben subalit hindi ito natagpuan. Base sa salaysay,dalawang linggo na ang nakakalipas ng magtangka rin na magpakamatay ito sa pamamagitan ng pag inom ng Clorox at nalagak sa East Avenue Medical Center.
Natagpuan rin ng imbestigador sa bulsa ng biktima ang isang suicide note nagsasaad ng mga katagang “Ako ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng taong umunawa at nagmalasakit sa akin at tumulong kung paano ko malalampasan ang problema ko. At sana po ay mapatawad ako ng mga taong may naiwan akong pagkakasala. Ayeza, Kevin tandaan nyo na mahal na mahal ko kayo kaya ko lang nagawa ang lahat ng ito ay dahil sa mga tao na nagtulak sa akin para gawin ang lahat.Sa pamilya ng asawa ko na sila Ranny Olidan at asawa niya. At lalo na sa mga kabarkada nya sa trabaho na nagtulak sa masamang bisyo para sirain ang pamilya. Nay at mga kapatid ko at higit sa Diyos patawad po. Lalo na ke Nolie Vernis na kumpare ko. Isinailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima samantalang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.
LALAKI NAGBIGTI DAHIL SA PROBLEMA
By: REY MORALES/VENANCIO SANDRINO│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 50 June 24-June 30, 2012 issue
No comments:
Post a Comment