PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

PRESO NANG AGAW NG BARIL TODAS SA PARAK


RODRIGUEZ, Rizal–– Patay ang isa sa  anim na nakapatay sa isang pulis noong bisperas ng  Bagong Taon matapos mabaril ng pulis dahil sa pang-aagaw ng baril habang lulan ng patrol car  patungong piskalya sa bayan ng Rodriguez, Rizal kamakailan. 

Kinilala ang napatay na si Mario Gonzales, 25, ay isa sa anim na suspek na itinuturong nakapatay  kay PO1 Paul Martin Nuyles at nakasugat kay PO1 Raymundo Robel ng Rodriguez PNP.

Nabatid na lulan ng PNP service vehicle si Gonzales  kasama sina PO3 Allan Bentazal at P02  Rommel Ramos patungo sa Rizal Provincial Prosecutor’s Office para sa inquest proceeding nang  agawin ang baril ni PO3 Bentazal.

Ikinaalarma naman ito ni PO2 Ramos na kaagad na nagbunot ng baril at pinaputukan si Gonzales. 

Naisugod pa sa HVille Hospital sa Brgy. Manggahan si Gonzales kung saan ito namatay.

Base sa tala ng pulisya, sina PO1 Martin at PO1 Robel ay sinasabing niratrat ng grupo ni Gonzales  habang nasa checkpoint noong bisperas ng Bagong Taon sa tapat ng istasyon ng pulisya.

Naaresto naman si Gonzales at nakatakda na sanang iinquest nang bigla na lamang itong mang-agaw  ng baril dakong alas-7:20 ng umaga habang ibinibiyahe sa kahabaan ng Mabini Street, Barangay  Burgos sa bayan ng Rodriguez. 

page 02 - 
"PRESO NANG AGAW NG BARIL TODAS SA PARAK │ Operation Eposé VOL. 10  BLG. 28 ENERO 13-19, 2013  

No comments:

Post a Comment