STA. ROSA CITY, Laguna–– Hinihinalang ginahasa muna bago pinaslang ang isang 19 anyos na lider ng Youth For Christ (YFC) ng hubo at hubad na matagpuan sa isang madamong bakanteng lote sa Barangay Sta. Cruz , Sta Rosa Laguna nitong nakalipas na Enero 2 dakong alas 9 ng umaga...
Sa police report, kinilala ang biktimang si Riza Baybay na tadtad ng mga gasgas at pasa sa katawan, ginilitan at may mga tama rin ng saksak sa kaniyang hita.
Sa ulat ng pulisya, sinasabing ang biktima ay inireport ng lola nitong si Ursula Baybay na umalis sa kanilang tahanan noong Enero 1 ng umaga upang magtungo sa bahay ng kaibigan kaugnay ng salu- salo sa Bagong Taon,subalit nabigo itong makauwi hanggang sa matagpuan ang kalunos lunos na sinapit nito sa kamay ng hinihinalang adik sa ipinagbabawal na droga..
Isasailalim sa post-mor-tem examination ang bangkay ng biktima para madetermina kung hinalay ito bago pinaslang sa dahilang hubo’t hubad ito ng matagpuan sa crime scene.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa ikalulutas ng krimen.
page 02 -
"19 ANYOS NA LIDER NG YFC, NI RAPE-SLAY NG ADIK" │ Operation Eposé VOL. 10 BLG. 28 ENERO 13-19, 2013
No comments:
Post a Comment