CAVITE CITY–– 'MGA KAPATID KO, PASENSYA NA, HINDI KO NA KAYA MABUHAY, BAHAY NA TO PINAGKAKATIWALA BABY PARA MAG USAP SILA TES, PERO HAYAAN MUNANG SI EVA ANG TUMIGIL DITO, SA ILALIM NG KAMA MAY PERA KASAMA BILL NG KURYENTE DI PA BAYAD AT KUNG MAARI SANA PAKISABI KAY EVA PAKIUSAPAN NIYA SI ELVIE DOON NA AKO ILIBING SA PUNTOD NI TATAY, SALAMAT TIYO PENG ANAK BABY EVA TES JEAN CHIE EDONG SA MAGANDA PAKISAMA NINYO"
Ito ang nilalaman ng suicide note na natagpuan sa ibabaw ng lamesa, matapos na hindi na nakayanan ng isang 61 anyos na lalaki ang matagal ng iniindang sakit na arthritis at ang pamamaga nito na naging dahilan upang wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Militar Street, Barangay 5 Dalahican Cavite City nitong nakalipas na Enero 7 dakong alas 7:30 ng umaga.
Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya, base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Rodel Buitizon, hepe ng Criminal Investigation Division kinilala ang nagsuicide na si Mario Barrera y Pakingan, alyas "Ayo" 61, may asawa, walang trabaho residente ng nasabing lugar.
Sa paunang imbestigasyon nabatid na isang tawag sa telepono buhat kay Barangay Captain Arnel "Tik" Javier ang natanggap ng istasyon hinggil sa insidente, kaagad na tinungo ng mga elemento ng pulisya ang lugar at doon ay sinasabing nakita ng kapitbahay at kaibigang kinilalang si Esiquel Pulintan ang biktimang nakasabit sa kisame ng bahay gamit ang isang nylon cord ng ito ay pumunta sa bahay ni Mario para samahan ito sa regular na pagpapa check up sa doktor.
Sa pahayag ng pinsan nitong kinilalang si Anita Bianzon y Barrera at iba pang kaanak na matagal ng iniinda ng biktima ang kanyang sakit at sumasailalim sa gamutan. Sa imbestigasyon naman ay napansin ang pamamaga at pamamanas ng mga paa ng biktima.
page 02 -
No comments:
Post a Comment