CAVITE CITY––Isang 18 anyos na estudyante sa High School ang naaresto ng mga nagpapatrulyang Phil. Navy Naval Base Security Group sa Sangley Point makaraang magreklamo ang mga asawa ng Phil Navy Enlisted Personnel sa pag iingay sa may Military Grocery sa kahabaan ng Pascual Ledesma Street ng nasabing kampo, at mahulihan ng 3 piraso ng pinatuyong dahon ng marijuana at apat na small heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang dry leaves ng marijuana.
Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni P Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya kinilala ang naarestong si Edu Mark Sencil y Lumba alyas Balong, 18, binata, estudyante, residente ng RH-1 Sta Barbara Sangley Point Cavite City.Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Rodel Buitizon, nabatid na nitong nakalipas na Enero 9, dakong alas 7:20 ng gabi ng makatanggap ng tawag sa telepono si ASN Jeremiah Cerdinio y Oblimar, 24,binata tubong Jolo Sulu, kaanib ng Phil Navy Naval Security Group sa nasabing kampo bunsod ng tawag reklamo tinungo ng mga ito ang lugar kasama ang tatlo pang kasamahan at sinita ang mga kabataan at nakuha sa posesyon ng suspek ang mga pinatuyong dahon ng marijuana.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 11 ng RA9165.
page 02 -
No comments:
Post a Comment