CAVITE CITY–– Minalas na maaresto ang dalawang lalaki ng mga elemento ng Cavite City PNP Mobile Patrol Section ng makunan sa kanilang posesyon ng tatlong piraso ng small heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu sa F. Dela Cruz Street, Caridad Cavite City nitong nakalipas na Enero 8,bandang alas 5: 00 ng hapon.
Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni P/Supt. Rommel Laconsay Javier hepe ng pulisya, kinilala ang mga naarestong sina Allan Quinto y Arboleda, alyas Allan 42, may asawa, pedicab driver residenteng Marsiella Street Rosario Cavite at Ernesto Ramirez y Hipolito alyas Leto 60 anyos, may asawa, jobless residente ng F dela Cruz Caridad Cavite City.Base sa imbestigasyong isinagawa ni PO2 Jonathan Baclas nabatid na kasalukuyang nagpapatrulya sina PO2 Phillip Anthony Perio at PO1 Armi Pitpitan sa nasabing bisinidad ng mapansin ang kahina hinalang kilos ng dalawang suspek dahilan upang sitahin ang mga ito at ng kapkapan ay nakuha sa posesyon ng mga ito ang pinaghihinalaang droga.
Sinampahan ng kasong paglabag sa RA9165 ang dalawa at nakakulong sa himpilan ng pulisya.
page 02 - "2 LALAKI TIKLO SA DROGA" by: REY MORALES │ Operation Eposé VOL. 10 BLG. 28 ENERO 13-19, 2013
No comments:
Post a Comment