TANZA, Cavite–– Dead on the spot, ang presidente ng isang Baby Bus organization sa Cavite makaraang barilin ng di pa nakikilalang salarin habang sakay ng kanyang tricycle papauwi sa kanilang bahay sa Barangay Sanja Mayor Tanza Cavite nitong nakalipas na Enero 7 bandang alas 1:45 ng hatinggabi.
Sa ulat na ipinadala ni Tanza Police Chief Supt Jerry Protacio kinilala ang biktimang si Mauricio “Isiong” Armentia, 56 taong gulang residente sa nasabing lugar.
Presidente ng Cavite Tanza Drivers Operators Association (CATADOA).
Batay sa imbestigasyon isinagawa ni PO1 Joel Mendoza, sinasabing habang nagmamaneho ng tricycle ang biktima na may plakang 3142-WN sa Persan Village ng nasabing lugar ng bigla na lamang itong barilin ng di nakilalang salarin. na tinamaan sa batok na nagbunga ng daglian nitong kamatayan.
Sinasabing mabilis na tumakas ang di nakilalang suspek samantalang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaslang sa biktima.
page 02 - "PRESIDENTE NG BABY BUS ORGANIZATION SA CAVITE ITINUMBA" by: REY MORALES │ Operation Eposé VOL. 10 BLG. 28 ENERO 13-19, 2013
No comments:
Post a Comment