October 07, 2012 - October 13, 2012 issue
MAGALLANES, Cavite–– Dalawang kalalakihan na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang inabandona sa bakanteng lote sa Barangay Bendita 1, Magallanes, Cavite nitong nakalipas na Setyembre 30,ng hapon.
Tinatayang nasa pagitan 20 hanggang 30 anyos ang dalawa at kapwa maiksi ang buhok na nakapantalong maong at t-shirt.
Sa ulat, sinasabing dakong alas-3 ng hapon nang matagpuan ni Celso Erasmo ang dalawang bangkay na may 50 metro ang layo mula sa highway ng Sitio Gulod. Pinaniniwalaang pinatay sa ibang bayan ang dalawa bago itinapon sa nasabing barangay para iligaw ang mga imbestigador ng pulisya.
(LARRY MACABUAT)
page 02 - "2 BIKTIMA NG SUMMARY EXECUTION NATAGPUAN" by: LARRY MACABUAT │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 13 October 07, 2012 - October 13, 2012
No comments:
Post a Comment