STA. CRUZ, Laguna–– Isang 39 anyos na lalaking bumbili ng sigarilyo sa tindahan ang pinagtulungang bugbugin at saksakin hanggang sa mapatay ng magkaibigang lalaki sa Sitio 3, Barangay Patimbao, sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna noong Enero 1 ng gabi.
Sa police report, kinilala ang biktima na si Peter Vilangel,39, hardinero, tubong Sipocot Camarines Sur.
Samantalang kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Isidilio “During” Pabilina at Aricardo “Patis” Melendrez, na mabilis na tumakas matapos ang nangyaring krimen na sinasabing kapwa residente sa nabanggit na barangay.
page 02 -
No comments:
Post a Comment