CAVITE CITY––Sa hindi sinasadyang pagkakataon naaresto ang isang 30 anyos na lalaki, habang nagsasagawa ng operasyon laban sa mga wanted person ang mga elemento ng Warrant at Intelligence Section sa Barangay 30 Caridad Cavite City nitong nakalipas na Enero 10, bandang alas 2: 30 ng hapon.
Sa direktang superbisyon ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier hepe ng pulisya, naaresto nina PO1 Ronnel Saria at PO1 Gimhar Manan ang isang Larry Ortega y Bellaflor may asawa residente ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ni PO2 Marbert Sto Domingo nabatid na naaresto ang suspek at nahulihan sa kanyang posesyon ng isang small transparent plastic sachet na nakalagay sa isang easy open can na may tatak na fancy candy.
Narekober din sa suspek ang Php 250.00 Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 11 ng RA9165.
No comments:
Post a Comment