PLARIDEL, Quezon––LABINTATLONG armadong kalalakihan na sinasa-bing gun-for-hire at kasapi ng private armed group (PAGs) ang napatay matapos na makipagbarilan sa pinagsanib na tropa ng pulisya at militar sa kahabaan ng Maharlika Highway sa hangganan ng mga bayan ng Plaridel at Atimonan sa Quezon nitong nakalipas na Enero 6. Sa inisyal na ulat ni Lt. Col. Generoso Bolina, sumiklab ang putukan bandang alas-3:20 ng hapon matapos makasagupa ng pangkat ni Ltc. Monico Abang ng 1st ore timeSpecial Forces Battalion at P/Supt. Balauag ang grupo ng kalalakihan na lulan ng dalawang Montero SUV sa inilatag na checkpoint sa Barangay Tanauan sa bayan ng Plaridel, Quezon.
Sinasabing nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may dalawang SUV na lulan ang mga armadong kalalakihan na magdaraan sa nasabing bayan mula sa Bicol kaya inilatag ang checkpoint.
Namataan naman ang dalawang sasakyan kung saan pinahinto ng mga awtoridad upang mag inspeksyon subalit umalingawngaw ang sunud-sunod na putok mula sa mga armadong kalalakihan.
Gumanti ng putok ang mga pulis at sundalo kung saan aabot sa 13 armadong kalalakihan ang napatay sa loob ng dalawang sasakyan.
Wala namang nasawi sa panig ng mga awtoridad habang nasugatan naman si P/Supt. Hansel Marantan na tinamaan ng tatlong bala ng baril kung saan isinugod sa Mt. Carmel Hospital sa Lucena City, Quezon.
Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga napatay na kalalakihan habang narekober naman ang sampung malalakas na kalibre ng baril.
RUB OUT DI SHOOTOUT SA 13 NAPATAY SA QUEZON
Rub out at hindi shootout ang senar-yong nakikita ng mga residente sa naganap na sinasabing na ikinasawi ng 13-kalalakihan kabilang ang tatlong pulis at isang sundalo sa Barangay Tanauan sa hangganan ng bayan ng Plaridel at Atimonan Quezon nitong nakalipas na Enero 6, ng gabi.
Makikita sa lugar na sinasabi ng mga awtoridad na pinangyarihan ng shootout na tadtad ng tama ng bala ang dalawang SUV na kulay itim na sinasakyan ng 13 armadong kalalakihan.
Sa gawing kaliwa ng highway na patungong Maynila ay may bangin at ang lugar ay kurbada na imposible paharurutin ang sasakyan at ang sinasabing checkpoint ay pwedeng tanggalin agad.
Sa sinasabing shootout ng composite team ng PNP at AFP na pinamumunuan ni P/Supt. Hanzel Marantan na nasugatan at ngayon ay nasa ospital sa Metro Manila ay nasawi sina P/Supt. Alfredo Consemino, nakatalaga sa PRO-4B-MIMAROPA; SPO1Gruet Mantuano ng Oriental Mindoro; PO1 Jeffrey Tarina Valdez, S/Sgt. Armando Aranda Lescano ng Lipa City, Batangas; Tirso Lontoc Jr., exmunicipal administrator sa Sariaya, Quezon; Leonardo Ma-rasigan, Conrado Decillo, kapwa nkatira sa Calamba City, Laguna; Victor Garcia ng Pampanga; Victor Siman, Victorino Atienza Jr., Gerry Siman, Jimbeam Justiniani ng Quezon City; at si Paul Quichilag ng Biñan City, Laguna.
Naging kontrobersyal si P/Supt. Marantan makaraang ma-involve sa Parañaque City shootout noong 2008 na ikinamatay ng mag-ama habang sa bayan ng Candelaria, Quezon sa shootout noong 2010 na ikinamatay ng 8-suspected robbers at sa Lucena City, Quezon naman noong 2012 na kung saan napatay ang 4 na miyembro ng highway robbery group.
Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang Quezon PNP provincial office kaugnay sa sinasabing shootout kaya lumalabas ang espekulasyon sa panig ng mga mamamayan na rubout at hindi shootout ang naganap.
Samantala, pinanin-digan kahapon ni PNP Chief Director Gen. Alan Purisima na lehitimong shootout at dirubout ang mga alegasyon sa naganap na engkuwentro kamakalawa.
Ginawa ni Purisima ang pahayag matapos na umalma ang mga kamag-anak ng mga nasawi na nagsabing rubout ang pangyayari matapos na harangin sa checkpoint ang dalawang SUV convoy na niratrat ng walang kalabanlaban.
Itinanggi naman ni ISAFP Chief Major Gen Eduardo Año na miyembro ng kanilang tanggapan ang dalawang napatay dahil peke ang mga nakuhang identification card at hindi sila nag-iisyu ng ID sa mga intelligence agent.
page 7 -
Good job guys! pero may mga bagong balita ba kayo? antagal na nito kasi. Sakit.info
ReplyDelete