CAVITE CITY – Kulungan ang binagsakan ng dalawa katao makaraang maaresto ng mga elemento ng pulisya habang nagmamando ng checkpoint matapos mahulihan ang isa ng isang small transparent plastic sachet na pinaghihinalaang naglalaman ng shabu at ang isa ay nahulihan ng isang balisong.
Sa direktang superbisyon ni P/Supt Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya naaresto nina SPO1 Marco Mallari at PO1 Eugene Torejas sina Angel Garcia Tagalog 41, single, walang trabaho, residente ng 219 San Gabriel General Trias Cavite at Juanito Brosas Dagdag 41, binata, tricycle driver residente ng General Trias Cavite.
Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Jonathan Baclas, nabatid na nagsasagawa ng checkpoint sina Mallari at Torejas nitong Enero 4 bandang alas 4: ng hapon ng masita ang dalawa dahil sa kahina hinalang kilos ng kapkapan ay nahuli kay Angel ang isang small heated transparent plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng bawal na droga, samantalang si Juanito ay nahulihan ng isang 4 uinches stainless na balisong.
Sinamaphan ng kasong paglabag sa RA9165 si Angel at si Juanito ay paglabag sa kasong BP Blg. 6.
page 9 -
No comments:
Post a Comment