CAVITE CITY––TATLO katao na wanted sa ibat ibang kaso ang naaresto ng mga elemento ng pulisya sa sunod sunod na isinagawang operasyon.
Sa direktang superbisyon ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier hepe ng pulisya, Unang naaresto nina PO2 Edgie Portacio at PO1 Ronnel Saria nitong nakalipas na Enero 5, bandang ala 1:00 ng hapon sa Barangay 57, sa may Tererro Street, San Roque ang isang Connielyn Sta. Ana y Valecruz,33 may asawa, walang trabaho, residente ng Coquico Street San Antonio, sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Estafa sa ilalim ng Criminal Case number 362-12 na may petsang Enero 2, 2013 na inisyu at nilagdaan ni Hon. Judge Agapito S. Lu RTC Branch 88 Cavite City na may kaukulang piyansang Php 24,000.
Nasundan ito ng operasyong isinagawa nitong Enero 6, dakong alas 11:20 ng umaga na nagbunga ng pagkaaresto nina PO2 Edgie Portacio, PO1 Ronnel Saria, kasama sina PO3 Jonathan Baricuatro at PO2 Enrico Palma sa isang Richard Puruwan y Fertis, 30 anyos, binata bell boy sa Monte Verde Motel sa Dra Salamanca road , San Antonio at residente ng Barangay 48-A Bagong Pook, sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Homicide sa ilalim ng Criminal Case number 226-12 na may petsang Disyembre 12, 2012 na inisyu at nilagdaan ni Hon. Judge Agapito S.Lu ng RTC Branch 88 Cavite City na may kaukulang piyansang Php 24,000.
Naaresto din nina PO2 Edgie Portacio, PO1 Ronnel Saria ng Warrant Section at SPO1 Ferfer Manzano ng Mobile Patrol Section ang isang Josefina Puruwan y Fertis, 54 anyos, nitong Enero 6, bandang alas 12:30 ng tanghali sa Barangay 48-A Bagong Pook San Antonio sa kasong Homicide sa bisa ng Warrant of Arrest, sa ilalim ng Criminal Case number 226-12 na may petsang Disyembre 12, 2012 na inisyu at nilagdaan ni Hon. Judge Agapito S. Lu, RTC Branch 88 Cavite City na may kaukulang piyansang Php24,000.
Kasalukuyang nakakulong ang mga naarestong suspek sa himpilan ng pulisya.
page 9 -
Dapat ay wala ng mga taong gumagawa ng krimen.
ReplyDelete