DASMARIÑAS, Cavite– –Dalawang basurero ang naging susi upang mabatid ng mga magulang na ang nawawalang anak na 9 anyos noon pang Disyembre 25 ay isa ng malamig na bangkay at hinihinalang biktima ng rape slay ng isang adik sa Barangay San Lorenzo Ruiz 2, Dasmariñas City, Cavite nitong nakalipas na Enero 5 ng hapon.
Ang biktimang iniulat na nawawala noong Disyembre 25 ay nakilalang si Zosiemae Magluyan, Grade 3 pupil sa Sta. Cruz Elementary School at nakatira sa Blk H1 excess Lot sa nasabing barangay.
Sa imbestigasyon ni PO1 Ellaine Magsino, ang bangkay ng biktima na sinasabing inabandona sa basurahan ay tadtad ng saksak tinabunan ng buhangin kung saan natagpuan ng dalawang basurero.
Isinailalim na sa post-mortem examination ang bangkay ng biktima kaugnay sa sinasabing posibleng hinalay muna bago pinaslang.
page 9 -
No comments:
Post a Comment