DASMARIÑAS, Cavite– –Patay ang isang 48 anyos na Barangay Tanod matapos barilin ng di kilalang salarin sa loob ng ambulansya sa Barangay Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite nitong nakalipas na Enero 5 ng gabi. Tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktimang kinilalang si Cresenciano Cambalisa ng Barangay Burol Main sa nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon ni PO2 George Fajardo, sinasabing nakaupo ang biktima sa driver seat ng ambulansya (SJC 159) kung saan pansamantala nitong ipinarada sa bahagi ng Summerwind Village sa nasabing lugar nang lapitan at barilin ng gunman.
Kaagad na ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente matapos madiskubre ng kasamahang si Ricardo Salasbar. Narekober sa crime scene ang cal. 45 pistol at isang basyo ng bala.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa motibo ng pamamaslang.
page 9 -
No comments:
Post a Comment