Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 13
October 07, 2012 - October 13, 2012 issue
BACOOR CITY–– Patay ang isang 47-anyos na taxi driver matapos itong pagtulungang saksakin ng mag-ama sa inuman sa Sitio Silangan Longos, Brgy Zapote 5 sa Bacoor City , Cavite nitong nakalipas na Setyembre 28,ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Salvador Alabastro habang nadakip naman ang isa sa dalawang suspek na si Sherlino Gregorio, 56.
Samantala, tinutugis naman ng pulisya ang anak nitong si Gilbert Gregorio, 28, residente ng #72 Sitio Silangan Longos sa nasabing barangay.
Sa imbestigasyon ni PO3 Angelito Roxas, naganap ang insidente ng pananaksak matapos mapikon ang matandang Gregorio sa biktima habang nakikipag-inuman. sinasabing sinugod ni Gilbert ang biktimang nakikipagtalo sa matandang Gregorio kung saan pinagtulungang saksakin ang biktima.
page 02 - "TAXI DRIVER TINODAS NG MAGAMANG NAPIKON SA INUMAN" BY LARRY MACABUAT │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 13 October 07, 2012 - October 13, 2012
No comments:
Post a Comment