PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

3 PATAY SA SHOOTOUT

Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 13
October 07, 2012  - October 13, 2012 issue


CANDELARIA, Quezon–– Patay ang tatlo katao kabilang  ang mag-asawang nadamay sa crossfire habang  nasugatan naman ang ex- Quezon ABC president sa naganap na shootout sa Barangay Pahinga Sur sa bayan  ng Candelaria, Quezon nitong nakalipas na  Oktubre 3,  ng madaling-araw. 

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan  ang mag-asawang sina Crisanto at  Charina Tria habang inaalam naman ang pagkakakilanlan ng driver ng sasakyan ng mga armadong kalalakihan.

Naisugod naman sa Lucena United Doctors Hospital matapos tamaan sa hita si dating ABC President Macario  Boongaling.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagsasagawa ng checkpoint ang mga opisyal ng barangay official sa  pangu-nguna nina Boongaling at Teodoro Mendoza, hepe ng mga barangay tanod laban sa mga magnanakaw ng  sasabunging manok nang maispatan ang paparating na Innova van na sinasabing may plakang ZPE 124.

Sa halip na huminto sa checkpoint ay pinagbabaril ang mga nagbabantay na tanod kaya gumanti naman ang  grupo ni Boongaling hanggang sa magkaroon ng ilang minutong putukan.

Dito na tinamaan sa crossfire ang magasawang Tria na lulan ng traysikel habang napuruhan ang driver ng van na  sinasakyan naman ng mga armadong kalalakihan.

Sinaasabing kung hindi  nakasuot ng bullet proof vest si Boonga-ling ay tiyak na napuruhan ito sa katawan.

Agad namang nagpulasan ang mga suspek na inabandona ang kanilang van. 

Narekober sa loob ng van ang Carbine rifle, cal. 45 pistol at isang magazine para sa M16 rifle.

Nabatid na talamak na ang nakawan ng mga pana-bong na manok kung saan aabot na sa 100 manok ang  nawawala mula sa farm na pagaari ni Boongaling.
page 02 - "3 PATAY SA SHOOT-OUT" │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 13  October 07, 2012 - October 13, 2012

No comments:

Post a Comment