October 07, 2012 - October 13, 2012 issue
CAVITE CITY–– Problema sa pamilya ang itinuturong dahilan kung bakit winakasan ng isang 18 anyos na binata ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang bahay sa Benitez Street, Sta Cruz Cavite City kamakailan.
Sa ulat ng pulisya, buhat sa tanggapan ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier hepe ng pulisya, kinilala ang biktimang si Kenneth James Voluntate y Tanael 18, binata, residente ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ni PO2 Jonathan Baclas nabatid na isang tawag sa telepono ang natanggap ng istasyon ng pulisya buhat kay Alicia Voluntate ina ng biktima na nagsasabing natagpuan ang kanyang anak na nakabitin sa steel trusses ng kanilang bubungan gamit ang isang telphone cord na kapulupot sa kanyang leeg ng kanyang kapatid na si Angelo James at dinala ito sa Bautista Hospital subalit, ideneklarang wala na itong buhay ng attending physician.
page 2 - "PROBLEMA SA PAMILYA, BINATA NAGBIGTI" BY: LARRY MACABUAT│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 13 October 07, 2012 - October 13, 2012 issue
No comments:
Post a Comment