September 30, 2012 - October 06, 2012
GENERAL TRIAS, CAVITE – natagpuan patay sa deposito ng dumi ng baboy ang isang lalaki na nakilalang si Warlito M. Stapya 42 years old, binata, residente sa purok 3, Pasong Kawayan II, General Trias, Cavite.
Ayon sa tiyahin ng biktima na si Florantina Montalban, nawala ang kaniyang pamangkin nitong sabado ng hapon 22 ng Septyembre at natagpuan lamang nitong 26 ng Septyembre hapon sa Brgy. Bagong Kalsada, Pasong Kawayan II sa nabanggit na bayan na isa nang bangkay. Aniya natagpuan ang kaniyang pamangkin dahil sa mabahong amoy nito na natuklasang itoy nasa deposito ng dumi na baboy.
Tadtad ng tama ng saksak at taga ang biktima sa ibat-ibang parte ng katawan, basag ang ulo nito na maaring pinalo ng matigas na bagay na ikinamatay ng kanyang pamangkin.
Dagdag pa na pahayag ng mga kamaganak ng biktima na maaring ito’y pinagtulungan dahil anila sa dami ng tama sa katawan ng biktima. Di pa rin mabatid ang motibo sa karumaldumal na pag-patay sa biktima, at kung sino ang salarin.
page 8 - BY: REV. PRUNING ALVAREZ │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12 September 30, 2012 - October 06, 2012 issue
No comments:
Post a Comment