PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

KAWANI NG KAPITOLYO ITINUMBA

Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 13
October 07, 2012  - October 13, 2012 issue


LUCENA CITY–– Patay ang isang  47-anyos na kawani ng provincial government matapos  pagbabarilin   ng ’di-kilalang lalaki sa Barangay Cotta, Lucena City, Quezon Oktubre 1 ng tanghali. 

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jonathan Alcala ng San Fernando Compund sa nasabing barangay. Sa  pagsisiyasat ni PO3 Randy Buenaventura, patungo sa St. Jude Compound ang biktimang nagmomotorsiklo  nang ratratin sa gate ng subdivision.

Nang bumagsak ang biktima ay kinuha ng gunman ang motorsiklo at mabilis na tumakas kung saan  inabandona naman ang sasakyan sa bisinidad ng Granja Street sa Barangay 7. 

Ayon kay P/Supt. Rufina Baldovino ng Scene of the Crime Operatives, narekober sa bulsa ng biktima ang  ilang drug paraphernalias at P40,000 cash.
page 02 - "KAWANI NG KAPITOLYO ITINUMBA" │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 13  October 07, 2012 - October 13, 2012




No comments:

Post a Comment