September 30, 2012 - October 06, 2012
TAYABAS, QUEZON–– Dead on the spot ang isang 48-anyos na obrero habang malubha naman ang kanyang kaibigan matapos na pagbabarilin ng may-ari ng bahay na kanilang nilooban sa Barangay Pook sa Tayabas City, Quezon, nitong nakalipas na Setyembre 21 ng gabi.
Mga tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan buhat sa cal. 22 rifle ang tumapos sa buhay Reynaldo “Bang” Aquino habang kritikal namang ginagamot sa Tayabas Community Hospital dahil sa tama ng bala sa ulo si Jose Zubia, 50 kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon nina SP01 Noel Manga at PO3 Domingo Rivarez, magkatabing natutulog sina Rodel Liwag, 46 at ka-live-in nito nang pasukin ng dalawa kung saan pilit na hinihila palabas ng bahay ang babae. Biglang nagising si Liwag at pinagbabaril ang dalawa bago tumakas.
page 2 - OBRERO TODAS SA PAMAMARIL │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12 September 30, 2012 - October 06, 2012 issue
No comments:
Post a Comment