Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 12
September 30, 2012 - October 06, 2012
ROSARIO, CAVITE––Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa tunay na motibo ng pamamaslang sa isang mangngisda na pinagbabaril at napatay ng mga di nakilalang salarin sa Barangay Ligtong I sa bayan ng Rosario Cavite nitong nakalipas na Setyembre 22 ng madaling araw.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Rolly Ledesma,23, residente ng Juan Luna Street ng nasabing Barangay. Sa imbestigasyon ni PO1 Reniel Granado, sinasabing umiihi ang biktima nang lapitan at ratratin ng grupo ng kalalakihan dalawang anggulo ang tinitingnan ng pulisya sa pamamaslang, onsehan sa droga at ang isa ay ang serye ng nakawan sa nabanggit na barangay kung saan sinasabing isinasangkot ang biktima.
page 2 - MANGINGISDA NILIKIDA by: LARRY MACABUAT │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12 September 30, 2012 - October 06, 2012 issue
No comments:
Post a Comment