Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 12
September 30, 2012 - October 06, 2012
TAYABAS CITY, QUEZON–Sinasabing nawala sa katinuan ng pag iisip,ang isang 28 anyos na binata, dahil sa pakikipagkalas ng nobya , at tuluyang winakasan ang buhay sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang dibdib nitong nakalipas na Setyembre 24 ng umaga sa Barangay Malaoa sa Tayabas City, Quezon.
Ayon kay SPO1 Noel Manga, huling namataang buhay ang biktimang si Nilo
Abas na naglalakad sa loob ng kanilang bahay at nagsasalita ng walang kausap. Napag-alamang may isang linggo na umanong nawawala sa katinuan ang biktima matapos na makipag-break ang syota nito. Nakita na namang ang biktima na duguang nakabulagta at hawak ang patalim na pinaniniwalaang itinarak nito sa kanyang dibdib at kinalaunan ay nalagutan ng hininga.
page 2 - BINATA KINALASAN NG SYOTA, NABUWANG NAGSUICIDE │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12 September 30, 2012 - October 06, 2012 issue
No comments:
Post a Comment