September 30, 2012 - October 06, 2012
SARIAYA, QUEZON–– Patay ang mag-utol na batang lalaki matapos mahulog sa malalim na balon sa Barangay Sampaloc 2 sa bayan ng Sariaya, Quezon nitong nakalipas na Setyembre 22 ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Raniel de Ramos, 7, Grade 1; at Reyreenz, 4, kapwa nakatira sa Purok de Villa sa nabanggit na barangay.
Sa imbestigasyon nina PO3 Pedrito Mendoza at PO2 Daniel Hernandez, huling namataang buhay ang mag- utol na naglalaro sa labas ng kanilang bahay kung saan nakalimutang pagsabihan ng kanilang ina na huwag lumayo. Magtatakip-silim na ay hindi pa umuuwi ang mag-utol kaya nagpatulong ang ina sa mga kapitbahay na hanapin ang kanyang dalawang anak.
Pananangis ni Rizalyn nang makita ang kanyang mga anak na nakalutang sa balon na may 250 metrong layo mula sa kanilang bahay.
page 7 - "MAG UTOL NA PASLIT NAHULOG SA BALON PATAY" │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12 September 30, 2012 - October 06, 2012 issue
No comments:
Post a Comment