HOTSHOTS: NAKAPANLULUMONG isipin na isa na namang menor de edad na 14 anyos na batang babae ang naging biktima ng panggagahasa.
Ang masakit sa pangyayaring ito, matapos halayin ay pinukpok pa ng matigas na bagay sa ulo ng di- pa nakikilalang salarin na hinihinalang adik sa ipinagbabawal na droga. basag ang bao ng ulo at hubot hubad ng matagpuan ang bangkay ni Mary Joy Basas sa loob ng Site 2 ng Labnig Elementary School sa Barangay Labnig sa bayan ng Malinao, Albay nitong nakalipas na Agosto 1 ng madaling-araw. Sa naitalang ulat ng pulisya,dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ni Mary Joy Basas, Grade 4 pupil sa nasabing eskwelahan.
Sinasabi sa ulat, huling namataang buhay ang biktima na nakikipaglamay sa burol ng kamag-anak at nagpaalam sa kanyang ina na ihahatid ang pinsan sa kanilang bahay. Hindi na nakabalik sa lamay ang biktima, at natagpuang isa ng malamig na bangkay.
Sariwa pa sa ating alaala ang mga insidenteng tulad nito, mga karumal dumal na pagpaslang sa mga menor de edad, isa na rito ang maka hayop na pagpaslang ng 2 dalawang lalaki sa isang 7 anyos na batang babae sa Sta.Mesa Manila na matapos gahasain ang bata ay pinagbubugbog at binigti pa.
Naaresto ang mga salarin at napaslang sa loob ng istasyon ng pulisya ng agawin ang baril ng isa sa mga pulis na bantay.
Pagkalango sa droga ang itinuturong dahilan ng mga karumal dumal na insidenteng ito.
Ipinagbabawal na droga na dahilan ng maraming krimeng nangyayari sa kapaligiran, paglaban sa mga magulang, na minsan sa mga naitatalang ulat ay nagbubunga din ng pagpaslang, kapariwaraan ng buhay tulad ng pagbebenta ng katawan ng mga ilang babae na adik sa droga upang masustenahan ang bisyo, pagnanakaw pang iisnatch, panghoholdap,panggagahasa at ang pagpatay.
Sa kabila ng mahigpit na kampanya ng mga awtoridad laban sa droga,patuloy, ang kalakalan, ang pagpupuslit ng mga dayuhan papasok sa ating bansa, ang pag gamit at pagbebenta na waring paikot ikot lang walang katapusan.
Sa ating sariling pananaw, sa mga nangyayaring krimen sa kapaligiran, mahigpit na batas o ang pagbabalik ng parusang bitay partikular sa drug trafficking ang dapat na pagtuunan ng pansin upang ang lahat ng ito ay matuldukan.
Violation of Human Rights ang laging isinasangkalan, kaya patuloy na nagaganap ang mga krimeng ito, Batas na hindi kinatatakutan kaya paulit ulit ang mga insidenteng ito, mga batas sa menor de edad na ligtas sa ano mang krimeng nagawa kung bakit patuloy na may mga sangkot na kabataan sa sari saring uri ng kriminalidad.
Maraming kabataan na ang lugmok sa droga na gumagawa ng mga krimen.
Magising sana tayo sa mga insidenteng ito...
page 4 - HOTSHOTS by REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012
No comments:
Post a Comment