DASMARIÑAS CITY, Cavite----- Dinakip ng miyembro ng Provincial Intelligence Branch (PIB) ang isang Dutch National makaraang ireklamo ito ng panggagahasa at pagkulong sa isang 18 taong gulang na babae sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Langkaan 2, Dasmariñas City ng lalawigang ito.
Sa ulat na nakalap mula kay P/Chief Insp Gil Torralba, deputy Chief ng PIB nagtungo sa kanilang tanggapan ang isang Maricel na humihingi ng tulong dahil ang kanyang nakababatang kapatid na itinago sa pangalang Snooky, 18 taong gulang ay ikinulong at sapilitang ginagahasa.
Agad na nagtungo sina SPO3 Jennifer Cabigan sa bahay ng suspek na si Andrianus Franciscus Maria Neve, 68 taong gulang, biyudo, Dutch National, retired Government employee at kasalukuyang nakatira sa Block 12 Lot 8 Mapple Lane Street, Green Breeze Subdivision 1 ng nasabing lugar.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO3 Cabigan, may hawak ng kaso dakong ala 1:00 ng hapon ng magtungo sila sa bahay ng suspek upang irescue ang biktima matapos magreklamo ang ate nito na si Maricel na itinatago ito ng suspek at hindi na pinalalabas sa kanyang bahay.
Hindi na nagawa pang makatakas ng suspek sa pagkabigla ng sumulpot ang mga alagad ng batas at dito marescue ang biktima na kasalukuyan ngayong sumasailalim sa genital at medical examination.
Kasalukuyang nakakulong naman ngayon sa Camp Pantaleon Garcia ang suspek habang inihahanda ang kasong Rape na isasampa dito na walang piyansa.
page 5 - │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012
No comments:
Post a Comment