LOPEZ, Quezon–– Patay ang dalawang lalaki na sinasabing magpinsan makaraang pagsasaksakin ng kanilang kainuman sa Purok San Vicente, Barangay Magsaysay sa bayan ng Lopez, Quezon nitong nakalipas na Hulyo 29 ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Lemuel Taracina, 32; at Lesielyn Olanda, 35, habang nasakote naman ang suspek na si Cesar Ba-nagued, 58, marino at nakatira sa Antipolo City, Rizal.
Ayon kay PO2 Christian Magillano, dakong alas-7:30 ng gabi ay nakikipag-inuman ang suspek sa mga kaibigang sina Lemuel, Lesielyn, Leydin Taracina, at Victor Rivadenera subalit nang malasing ito ay naghagis ng bote.
Dahil sa inasal ng suspek ay sinuntok siya ni Lemuel at naawat naman ng ibang kainuman upang hindi na lumala ang sitwasyon.
Hindi akalain ng magpinsan na palihim na nagtungo sa kusina ang suspek at kumuha ng patalim at pinagsasaksak ang mga biktima.
page 02 - │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012
No comments:
Post a Comment