PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

LAW STUDENT UTAS SA HAZING


DASMARIÑAS, Cavite– Isa  na  namang estudyante sa College of Law ng San Beda ang nasawi  sa madugong hazing ng fraternity sa Dasmariñas City, Cavite noong Hulyo 30 ng madaling- araw. 

Sa ulat na ipinarating ni Cavite Police Provincial Police Office Director P/Senior Supt. John Bulalacao kay PNP Chief Director General Nicanor Bartolome kinumpirma ang pagkamatay ni Mark Andrei Marcos sa De la Salle University Medical Center sa Dasmariñas City. 

Sa pahayag ni Bulalacao, malaki ang posibilidad na ang 1st year law student ay namatay sa pagpapahirap sa  hazing dahil may mga malalalim na pasa na nangingitim at nagkulay ube na sa likuran ng katawan, braso at  hita na palatandaang pinahirapan ito. 

Ayon sa ulat, nabatid na nagpaalam ang biktima sa kaniyang pamilya na gagawa lamang ng project noong  Sabado. 


Subalit hindi na nakauwi noong linggo at hindi rin makontak sa kaniyang cellphone kung saan ikinagulat nila  ang balitang namatay ito sa hazing matapos isugod sa nasabing ospital noong Lunes ng madalingaraw.


Isinailalim naman sa masusing imbestigasyon si Soledad Sanda na sinasabing nagdala sa biktima sa nabanggit  na ospital pero ayaw nitong magsalita sa sinapit ni Marcos. 

Naghihinala naman ang mga kaibigan ni Marcos na ang Lex Leonum Fraternity ang nasa likod ng pagkamatay  ng estudyante.

Ang bangkay ng biktima ay dinala  sa PNP Crime Laboratory sa Camp Crame para isailalaim sa post-mortem examination.

Si Marcos ang ikalawang San Beda Law student na namatay sa marahas na hazing kung saan ang una ay si  Marvin Reglos  na namatay  naman sa pagsali sa Lambda Rho Beta fraternity noong Pebrero 2012.
page 02 - By: CRISTY D. GARCIA/ RENANTE MACABUAT│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012 


No comments:

Post a Comment