SAN PEDRO CITY, Laguna– Isang barangay chairman na tumatayong ABC president ang napatay matapos tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem sa main road ng United San Pedro Subdivision (USPS), Barangay San Antonio sa San Pedro City, Laguna noong Hulyo 30 ng hapon.
Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Gilbert Cruz, Laguna PNP director, kinilala ang biktimang si Chairman Art Hatulan na kinikilala ring ABC president ng Sangguniang Panglunsod sa Sta Rosa City.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, bandang alas-5:45 ng hapon nang tambangan ang biktima habang lulan ng government vehicle (SJV 444) na minamaneho ni Florante Trinidad pagsapit sa main road ng USPS.
Kaagad na isinugod sa Beato Hospital sa Barangay Tunasan, Muntinlupa City ang biktima na idineklarang patay matapos subukang i-revive ang buhay nito ni Dra. Melissa Mallare.
Kaugnay ng pananambang nakahandang magbigay ng P.2 milyong pabuya si Mayor Calixto Cataquiz at karag-dagang P.2 milyon naman kay Laguna Gov. ER Ejercito sa makakatulong at makakapagtuturo sa kinaroroonan ng gunmen upang maresolba ang krimen.
page 02 - │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012
No comments:
Post a Comment