PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

HAZING NA NAMAN!


ILAN pa kayang kabataan ang mabibiktima ng karumal-dumal na HAZING? At isang San Beda College of  law student na naman ang kinawawa!

Na bagamat ang kaparusahan dito’y “life term” o habangbuhay na pagkakakulong ay tila walang pakundangan ang mga hinayupak na fratmen kung kanain, bugbugin sa initiation ang mga plebes (mga  sumasailalim sa initiation o’ bagito na gustong pumasok sa fraternity)!


About three years ago, dinanas din ng aking pamangkin ang ganitong pananakit na muntik na niyang  ikinamatay. Naagapan lamang na madala sa ospital ng aking kapatid at bayaw at swerteng nakaraos sa  malupit na hazing. 

Noong  una’y itinatanggi pa ng aking kapatid kung anong dahilan ng pagkakaospital ng aking pamangkin, pero isang kapatid nito at mga pinsan ang nagsabi ng totoo: dahil nga sa HAZING.


Walang duda, sa isip ko noon, dahil nga first year law student ang aking pamangkin sa San Beda College  din. Kung baga’y ayaw nang magreklamo pa ang aking kapatid at bayaw at pasalamat na lamang daw  umano sa Diyos at ligtas na ito.

Pero noong makausap ko ng personal ang aking pamangkin na biktima ng hazing ay naibulong niya sa akin  na “meron silang parang pagkakasundo  sa mga senior fratmen na nagparusa sa kanya at kapwa plebes na  ‘huwag magsasalita sa kanilang pinagdaanan ano man ang mangyari.” CODE OF SILENCE, kung baga. At sa pag-uusap namin ng aking pamangkin ay ang kanyang pangakong “tutuloy din ako sa aking law course, tito…pero lilipat na lamang ako ng school.

At hanggang ngayon nga’y pumapasok pa rin at nasa third year law proper na siya.

Sa naging karanasan ng aking pamangkin, ay aking napagtanto na dapat ikintal sa isip ng gustong mag-aral sa  kolehiyo na umiwas o ayawan ang ganitong  samahan. 

Pwede  naman makatapos ng di sumasanib sa fraternity. Disiplina lamang ang kailangan at strong resolve para umiwas, di ba? At ang mahalaga sa lahat, ang mga magulang ay dapat ALWAYS ON THE GUARD,  pakialaman ang schedules ng ating mga anak, lalo na sa sinasabing out-of-town engagements, overnight  research and studies, etc.

At para sa mga kinaukulan, lalo na ang pamunuan ng mga colleges and universities, isang matinding pakiusap mula sa mamamayan: BAN FRATERNITIES  IN  YOUR SCHOOLS!
page 4 - by DAN FABROS DAMPI'T HAPLIT │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012 


No comments:

Post a Comment