PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

TSERMAN NG ASOSASYON NG MINI BUS ITINUMBA


CAVITE CITY–– Dead on arrival sa ospital ang isang tserman  ng asosasyon ng mini bus (Cavite City- Naic) matapos barilin sa ulo  ng hindi pa nakikilalang gunman sa harap ng kanyang puwesto ng prutas at  gulay sa Cavite City Public Market nitong nakalipas na Hulyo 16,bandang alas 3:45 ng madaling araw. Sa  nakalap na ulat sa tanggapan ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya kinilala ang biktimang si  Wilson Agana y Manota 44, may asawa.
Base sa imbestigasyong isinagawa ni PO2 Jonathan Baclas, nabatid na nakaupo ang biktima sa silya sa  harapan ng kanyang tindahan ng lapitan ng isang lalaking tinatayang nasa pagitan ng 5'6 ang taas, nakasuot ng  checkered long sleeve, maong pants at kulay itim na helmet at binaril sa bandang ulo sa pagitan ng dalawang mata.Matapos ang pagbaril sa biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.

Isinugod naman sa Bautista Hospital ang biktima na ideneklarang wala ng buhay  ng attending physician na si  Dr. Bryan Gomez.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng pulisya sa motibo ng
pamamaslang.
DALAGANG WANTED SA KASONG THEFT NASAKOTE
By: REY MORALES/ REYNANTE MAGBUAT │Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012   

No comments:

Post a Comment