BUENAVISTA, Quezon - Napaslang ang isang 49-anyos na konsehal ng barangay matapos na barilin ng kanyang nakaalitang kapitbahay sa Barangay Batabat Norte sa bayan ng Buenavista, Quezon Hulyo 9 ng umaga.
Tama ng bala sa ulo ang nagwakas sa buhay ng biktimang kinilalang si Zosimo Cabida habang nasakote naman ang isa sa suspek na si Daniel Leogo, 65.
Tinutugis ng pulisya ang isa pang suspek na kinilalang isang Leo Ramos.
Sa ulat ni SPO1 Eugenio Antes Jr., sinasabing nakipagkita sa suspek ang misis ng biktima na si Luvella Cabida sa barangay hall upang ayusin ang alitan laban sa kanyang mister.
Sa halip na makipag-ayos ay tumanggi ang suspek kung saan sinundan pa nito si Luvella.
Sinasabing tinangkang barilin ng suspek ang anak ng biktima subalit pumalya ang baril kaya lumabas ng bahay ang konsehal dahil sa komosyon. at binaril ng suspek.
No comments:
Post a Comment