ALFONSO, Cavite–– Isang 21-anyos na lalaki na sinasabing biktima ng summary execution ang lumutang
sa ilog sa bahagi ng Rodeo Hills, Barangay Manga 2 sa bayan ng Alfonso, Cavite nitong nakalipas na Hulyo15.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Miguelito Midel ng Barangay Dagatan sa bayan ng Amadeo, Cavite.
Sa imbestigasyon ni PO1 Rene Buisa, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakagapos ang mga kamay at posibleng itinapon sa ilog kung saan natagpuan makaraang lumutang ito.
Hinihinala ng pulisya na pinatay sa ibang bayan ang biktima upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.
21 ANYOS NA LALAKI BIKTIMA NG SUMMARY EXECUTION
By: CRISTY D. GARCIA │Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012
No comments:
Post a Comment