LUCENA CITY, Quezon– –Patay ang isang 21-anyos na anak na lalaki matapos pagbabarilin ng kanyang sariling ama sa loob ng kanilang tahanan sa Purok Maligaya, Barangay Ibabang Dupay sa Lucena City, Quezon nitong nakalipas na Hulyo 15 ng hapon.
Binawian ng buhay sa ospital ang biktimang si Medgard Virtucio.
Naaresto naman ang suspek na si retired policeman Miguel Virtucio residente sa nabanggit na barangay.
Sa imbestigasyon nina PO2 Nestor Lumanglas at PO2 Jefferson Tamaray, naganap ang pamamaril dakong alas-2 ng hapon matapos makipagtalo ang biktima sa kanyang ama.
Sinasabing nauwi sa pambuno ang mag-ama hanggang sa pumasok sa kuwarto ang suspek kung saan pagbalik ay bitbit ang baril at pinagbabaril ang kanyang anak.
ANAK INUTAS NG AMA
│Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012
No comments:
Post a Comment