CATANAUAN, Quezon–– Nagwakas na ang paghahasik ng lagim ng notoryus na grupo ng mga kawatan na tinaguriang Avila gang matapos na maaresto ang walong miyembro nito kabilang ang kanilang lider sa isinagawang operasyon nitong Hulyo 23 ng gabi sa Brgy. Poblacion 8 sa bayan ng Catanauan, Quezon.
Pormal na kakasuhan habang inihahanda ang mga ebidensya laban sa mga suspek na sina Roberto Avila, lider ng Avila Group na responsable sa mga serye ng nakawan sa Bondoc Peninsula; Jessie Resurrecion, Jonel Ponferada, Renon Pontilara, Rhanie Apacible, Roel Estango, Maris Sartin, at ang 17-anyos na alyas Mark.
Positibong itinuro sa rogues gallery ang mga suspek matapos pagnakawan ang isang kawani ng Pitogo Multipurpose Cooperative kaya inilatag ang follow-up operation.
Ayon sa pulisya, ang grupo ni Avila ang sinasabing nanloob sa nasabing kooperatiba. Narekober ang ilang gamit ng kooperatiba, cal. 45 pitol at dalawang granada.
AVILA GANG, NATIMBOG NG PNP
│Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012
No comments:
Post a Comment