BACOOR CITY–– Isang pulis na kaanib ng Tagaytay Police Station ang pinaslang ng dalawang lalaki sa bahagi ng Barangay Molino 3 Bacoor City nitong nakalipas na Hulyo 20 ng umaga. Nasawi habang ginagamot sa De la Salle University Medical Center ang biktimang kinilalang si PO1 Rafael Baculao,31, may asawa residente ng Fortune Street,Marcos Alvarez Extension Bacoor City.
Sa imbestigasyon ni PO2 Michael Legaspi Jr., sinasabing naglalakad ang biktima sa bisinidad ng Gardenia Valley para mag-duty nang lapitan at ratratin ng tandem bandang alas-5:50 ng umaga. Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng cal.45 pistol.
Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pagpaslang sa biktima.
PULIS NILIKIDA
page 02│Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012
No comments:
Post a Comment