PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

MISIS DADALAW SA PRESO NAHULIHAN NG DROGA KALABOSO


CAVITE CITY–– Kalaboso ang binagsakan ng isang misis na dadalaw sa kulungan ng Cavite City Police  Station ng mahulihan ng pinaghihinalaang droga ng inspeksyunin ang kanyang gamit ng nakatalagang duty  jail officer nitong nakalipas na Hulyo 24, bandang ala 1:30 ng hapon.


Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni  P/Supt. Rommel Laconsay Javier hepe ng pulisya, kinilala ang ginang na  si Alma Laboga y Salafranca, 40, walang trabaho residente ng 1367 Julian Felipe Boulevard , Caridad ng nabanggit na lunsod.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Jonathan Baclas, nabatid na dadalaw ang suspek sa isang presong  nakakulong sa himpilan ng pulisya ng magsagawa ng inspeksyon sa gamit na dala dala, si SPO1 Marco  Mallari duty jail officer, ng mapansin nito ang nakasingit na isang maliit na transparent plastic sachet sa suot  na relo ng suspek, nang ipahubad ito ay nakita di pa matukoy na dami ng pinaghihinalaang droga. 

Sinampahan ng kasong paglabag sa section11 article II ng RA9165(possesion of illegal drugs) ang suspek at  nakakulong sa himpilan ng pulisya.
MISIS DADALAW SA PRESO NAHULIHAN NG DROGA KALABOSO
page 02 - By: REY AMOR/RENANTEMACABUAT │Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012   

No comments:

Post a Comment