IMUS CITY–– Isang konsehal sa Imus Cavite ang nabiktima ng "Basag Salamin Kotse Gang" nitong nakalipas na Hulyo 24.
Sa ulat ng pulisya kinilala ang biktimang si Emilio Aguinaldo, 32, may asawa. Kinilala ang biktima na si Councilor Emilio Aguinaldo, 32, may-asawa, Councilor ng Imus.
Sa imbestigasyon ni PO2 Ernesto Gonzaga Dasalla Jr. dakong dakong ala-1 ng hapon ng iparada ni Aguinaldo ang kulay puti nitong Toyota Innova (SHU 595) na nakarehistro sa munisipyo ng Imus sa parking lot ng Cafe Marcelo sa Maestro G. Tirona St. sa panulukan ng Gen. E. Topacio St., Barangay Poblacion 1, Imus.
Kasalukuyan umanong nagmemeryenda ang biktima kasama ang isang kaibigan at laking gulat nito ng pagbalik niya sa sasakyan ay nadiskubreng basag ang bintana ng kotse at nawawala na ang 3 units ng portable radio na nagkakahalaga ng mahigit P21,000.00 at isang Ipad na may halagang P26,000.
Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad sa ikalulutas ng kaso.
KONSEHAL BIKTIMA NG BASAG SALAMIN KOTSE GANG
page 02 - By: CRISTY D. GARCIA/ RENANTE MACABUAT│Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012
No comments:
Post a Comment