DASMARIÑAS, Cavite– Pisak ang katawan ng isang 11-anyos na batang babae habang kritikal naman ang utol nito matapos na mahagip ng trak habang tumatawid sa Pala-Pala Road sa Barangay Sampaloc 1, Dasmariñas City, Cavite nitong nakalipas na Hulyo 23, ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jennyca Bunag habang malubhang naisugod sa Asian Medic Hospital si Jamby Bunag, 9, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Sa ulat ni PO2 Jesus Bae, sinasabing magkahawak ng kamay ang mag-utol na tumatawid nang mahagip ng trailer truck (RHT 194).
Naaresto naman driver ng trak na si Efren Fabros, 53, ng Barangay Polo sa bayan ng Cabuyao, Laguna at nakakulong sa himpilan ng pulisya.
1 PATAY 1 KRITIKAL; MAG-UTOL NAHAGIP NG TRAK
page 02 - By: CRISTY D. GARCIA/ RENANTE MACABUAT │Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012
No comments:
Post a Comment