SILANG, Cavite–– Hinihinalang onsehan sa droga ang isa sa dahilan ng pamamaslang sa isang mister matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa bayan ng Silang, Cavite Agosto 30 ng hatinggabi.
Dead on the spot dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si George Aranchado, 43, ng Brgy. Anahaw ng bayang ito.
Sa imbestigasyon ng pulisya, isang alyas Manny na may kaugnayan sa droga ang tumawag sa biktima at pinapapunta ito sa lumang palenge sa Brgy. Narra sinasabing pagdating sa lugar ay agad itong nilapitan ng armadong salarin saka pinagbabaril.
Narekober sa crime scene ang mga basyo ng iba’t ibang kalibre ng baril at saka isang sachet na may lamang shabu. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen
ONSEHAN SA DROGA, KELOT ITINUMBA
page 02 - │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 09 September 9-15, 2012
No comments:
Post a Comment