PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

FIXER SA LTO, SINAKSAK SA INUMAN PATAY!


TANZA, Cavite –– Sinaksak at napatay ang 60-anyos na mister na sinasabing fixer sa Land Transportation Office (LTO) ng kanyang kaibigang fixer sa Barangay Punta 1 sa bayan ng Tanza, Cavite nitong nakalipas na Setyembre 2 ng madaling-araw.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Ramiro Paycana ng Block 33 Lot 4 Phase 1 sa nabanggit na barangay. 

Tinutugis  ng pulisya ang suspek na si Jay “Kamote” Zamora, 23, tubong Bicol at nakatira sa Saging Street,  CAA, Las Piñas City. Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na nakipag-inuman ang suspek sa biktima at  kaibigan nito kung saan ay isinagawa ang krimen. Tinangay ng suspek ang pitaka at cell phone ng biktima bago tumakas.

FIXER SA LTO, SINAKSAK SA INUMAN PATAY!
page 02 - By: CRISTY D. GARCIA/ RENANTE MACABUAT│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 09 September 9-15, 2012

No comments:

Post a Comment