TAYABAS, Quezon–– Napaslang ang mag-asawang dealer ng prutas matapos pagbabariulin hanggang sa mamatay ng isang lalaking naka motorsiklo sa bahagi ng highway sa Barangay Isabang, Tayabas City, Quezon nitong nakalipas na Agosto 31.
Kinilala ang mag-asawa na sina Antonio Dayanan, 58; at Teresita Dayanan, 50, kawa nakatira sa nabanggit na lungsod habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Arvin Armaniego, 27, driver, ng nabanggit na barangay.
Sa ulat ng Tayabas City PNP, lulan ng pribadong jeepney ang magasawa patungo sa Lucena City para mag- deliver ng mga prutas sa palengke nang harangin at ratratin pagsapit sa nasabing lugar pasado alas-3:30 ng madaling araw.
Tiniyak na patay na ang mag-asawang bumulagta bago nilapitan pa ng gunman saka kinulimbat ang hindi pa madeterminang halaga ng pera, alahas at cell phone ng mga ito.
Pinaniniwalaang natiktikan ang mag-asawa na may malaking halaga kaya sinundan at pinatay habang nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya.
MAG-ASAWANG FRUIT DELAER TINAMBANGAN UTAS
page 02 - │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 09 September 9-15, 2012
No comments:
Post a Comment