PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

NATUKLASANG AMPON, BINATILYO NAGBIGTI


DASMARIÑAS, Cavite–– Posibleng hindi nakayanan  ng isang 15 anyos na binatilyo ang nadiskubre  nitong isa lamang siyang ampon matapos na magbigti sa kusina ng kanilang tahanan sa Brgy. Sampaloc  IV, Dasmarinas City nitong nakalipas na Hulyo 5 ng gabi.

Kinilala ni Supt Ulysses Cruz Sr., hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang biktima na si Lynne Mathew  Caramanza 15-anyos, residente ng Blk 4, Lot 5, Bahay Pangarap sa naturang barangay.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Rez Alovera,sinasabing dakong alas-8:30 ng gabi ng madiskubre ng pinsan ng biktima ang bangkay nito na nagbigti gamit ang nylon cord sa kusina ng kanilang bahay.

Sinasabing bago ang insidente , ayon sa mga kasambahay ng biktima ay labis ang hinagpis ng binatilyo  ng matuklasan ang masakit na katotohanang isa siyang ampon.
NATUKLASANG AMPON, BINATILYO NAGBIGTI
│Operation Exposé Vol. 10 Blg. 01 July 15 - July 21, 2012  

No comments:

Post a Comment